|
|
Nagbibigay ang marami sa aming mga produkto, gaya ng Google+, YouTube at Blogger, ng mga paraan upang lumikha ka, mag-post at magbahagi ng iyong sariling nilalaman. Nang may mahigit sa 24 na oras ng video na ina-upload sa YouTube at 270,000 salitang isinusulat sa Blogger bawat minuto, maiisip mo kung bakit hindi kami maaaring paunang magsala ng nilalaman. Ito ang dahilan kung bakit umaasa kami sa aming milyun-milyong user sa komunidad na mag-ulat ng pang-aabuso at hindi naaangkop na nilalaman. Malalaman mo kung anu-anong uri ng nilalaman ang hindi pinapayagan sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit at Mga Patakaran ng Programa para sa aming iba’t ibang produkto. Lumikha kami ng mga tool na nagbibigay-daan sa iyong i-notify kami kung makakita ka ng nilalamang hindi dapat nasa site. Narito ang isang mabilisang gabay sa pag-uulat ng hindi naaangkop na nilalaman sa ilan sa aming mga pinakasikat na produkto.
|