|
|
Ang mga web application, na kilala rin bilang “apps” ay mga program na matatagpuan sa iyong browser o sa iyong mobile device. Ikinokonekta ka ng mga ito sa mga serbisyo sa Internet na nagbibigay-daan sa iyong gumawa ng mga simpleng gawain, tulad ng pag-bookmark ng mga website at pagtingin ng mga email. Makakagawa rin ang mga ito ng mga mas kumplikadong gawain tulad ng pagbabahagi ng mga larawan, pag-navigate sa mga lungsod o pakikinig ng musika. Isang magandang halimbawa ng app ang iyong karaniwang system sa pag-navigate ng kotse. Sa loob ng app na ito, makakakuha ka ng real-time na impormasyon batay sa iyong lokasyon. Maaari kang mag-pan at mag-zoom sa paligid ng mapa, makakuha ng mga direksyon sa pagmamaneho, makahanap ng mga kahaliling ruta at maghanap ng mga tukoy na patutunguhan.
|