|
|
Hinihingi din ng Android na ilista ng bawat app sa Google Play store kung anong uri ng impormasyon ang gustong kolektahin o i-access ng app sa iyong device, upang makapagpasya ka kung pagkakatiwalaan mo ang app o hindi. Awtomatiko rin naming sina-scan ang Google Play upang i-block at alisin ang mapaminsalang apps, at para sa ilang Android phone, titingnan ng aming Serbisyo sa Pag-verify ng Application ng Google kung may mga potensyal na mapaminsalang application saan mo man i-install ang mga ito. Kung kaya, kung mag-i-install ka ng mga application galing sa mga hindi kilalang pinagmulan tulad ng web o app store ng third party, magbibigay sa iyo ng dagdag na seguridad ang libreng serbisyong ito.
|