|
Kapag namimili online, magsaliksik tungkol sa nagbebenta at mag-ingat sa mga kahina-hinalang murang presyo tulad ng gagawin mo kung may binibili ka sa isang lokal na tindahan. Siyasating mabuti ang mga online na deal na mukhang masyadong maganda upang magkatotoo. Walang sinumang may gustong maloko sa pagbili ng mga pekeng produkto. Malamang na may nakakahamak na hangarin ang mga taong nangangakong libre o may 90% bawas ang mga mamahaling produkto o serbisyong karaniwang walang diskwento. Kung gumagamit ka ng Gmail, maaari kang makakita ng babala sa tuktok ng iyong screen kung tinitingnan mo ang isang email na maaaring isang scam ayon sa aming system – kung makita mo ang babalang ito, mag-isip nang mabuti bago tumugon sa email na iyon.
|