|
Malamang ay walang magandang maidudulot ang isang mensahe kung binabati ka nito para sa pagiging pang-isang milyong bisita ng isang website, kung nag-aalok ito ng tablet computer o iba pang premyo kapalit ng pagkumpleto sa isang survey o kung nagpo-promote ito ng mga mabilis at madaling paraan upang kumita o magkaroon ng trabaho (“yumaman nang mabilis sa pagtatrabaho sa iyong bahay sa loob lang ng dalawang oras sa isang araw!”). Kung may magsabi sa iyong nanalo ka at hiniling niya sa iyong ilagay sa isang form ang iyong personal na impormasyon, huwag matuksong simulan itong sagutan. Kahit hindi mo pindutin ang button na “isumite,” maaaring ipinapadala mo pa rin ang iyong impormasyon sa mga scammer kung sisimulan mong ilagay ang iyong data sa kanilang mga form.
|